RIDER Top-up/ Cash-out/ Cashbond

Bago mag-send ng top-up, siguraduhing nabasa lahat ng mga
inpormasyon tungkol dito.

Top-up (sa Borzo Wallet)

Dito kinakaltas ang Borzo Commission.
Dito rin ibabawas ang bayad para sa mga maaaring ma-damage na items habang nasa biyahe.

I-click lang ang profile icon na makikita pagkabukas ng Borzo Rider App.

Pumunta sa statistics page at dito makikita ang laman ng Borzo wallet.

Siguraduhing laging may laman ang Borzo Wallet upang maiwasan ang hindi makakita at makakuha ng biyahe.

Top-Up Amounts
Eto lang ang mga amount na tatanggapin:

PHP300 | PHP500 | PHP1000

Siguraduhing may laman din ang ating Gcash account/Unionbank account bago magtop-up

Automated Top-up

Mas pinadaling pagtopup para sa mga riders. Iupdate lang ang sa IOS Appstore o Google Playstore. Pumunta sa Statistics at iclick ang topup button sa ibaba ng inyong balanse

Cash-Out

Upang Makapag Cash-Out, kailangan mayroong UnionBank account. Doon ipapadala ang inyong pera.

Cash-out request schedule:

Monday to Friday

Cut-off time: 3:00pm

Ang inyong cash-out ay papasok sa inyo UnionBank account mula 3:30pm to 8:00pm.

Lahat ng cash-out request na lalagpas ng 3pm ay mapapabilang sa mga cash out request ng susunod na araw.

Paano mag cash out?

Pumunta lang sa link at punan ang mga hinihinging detalye.
Siguraduhin na TAMA at KUMPLETO ang mga ito. https://bit.ly/BorzoWalletCashout

NOTE: Mahigpit po naming pinapaalala na kinakailangang may maiiwan na Php100 sa Speedy Wallet. Hindi po isesend ang Cash Out Request kapag kulang ang laman ng inyong wallet