Proseso ng pagdeliver

Panoorin ang video upang malaman kung paano makapagumpisang magdeliver

Gusto mo bang kumuha ng insulated box?

Pumunta lang po sa Borzo office (Room 18A Strata 2000 Garnet Road, Ortigas Center, Pasig City) tuwing Lunes, Miyerkules at biyernes mula 10am hanggang 5pm. Ihanda ang pambayad, at pwede po mag-walkin para makakuha ng Borzo Insulated bags

Paano maging Borzo Rider?

Simple lang ang proseso para maging isang Borzo Rider.

1
I-Download ang Borzo Courier App (click here for android and here for IOS)

Magregister bilang rider, at magupload ng litrato ng lisensya. Maglagay din ng inyong references upang aming macontact kung sakaling may emergency.

Maari ding iupload ang NBI o Police clearance at OR/CR nang sasakyan kung mayroon na. (Pwedeng Ihabol)

2
Gamitin ang Borzo App

Buksan ang app, tumingin sa mga available order at magbid kung gusto niyo ang presyo at ruta ng delivery.

3
Protocol

Kapag nasa active na ang order, tawagan o i-text ang client bago puntahan ang address. Kumuha ng litrato sa bawat address na pupuntahan.

4
Bayad sa Biyahe

Para sa non-cash orders, papasok ito sa inyong Borzo Wallet. Para sa cash orders, kukunin ang bayad mula sa pick-up o kaya sa drop-off.