Rider Protocols

Ano ano ang mga special rules sa pag gamit ng Borzo application?

Protocols

Sundin ang mga sumusunod upang hindi magkaproblema sa order

I-contact ang pupuntahan

Magtext at tumawag sa client kapag nasa active na ang order

I-verify ang address

Iverify sa kliyente ang mga address. Kung mali ang nakapin, maari lang imessage ang kliyente o app support upang ito ay mabago

Sumunod sa waiting time

Mayroon tayong 15 mins waiting time sa address, pagkatapos nito at wala pa rin reply ang client, maari nang magmessage sa app support upang humingi ng tulong
May karampatang bayad kung lalagpas ng 30 mins ang waiting time, na may advise ng app support at client.

Magremit agad ng COD

Mayroon tayong 12 hours na ibinibigay sa mga rider pagkatapos ng last drop ng kanyang delivery upang mairemit ang COD sa client.

Magreport agad sa rider support para sa mga di inaasahang pangyayari

Iwasang magcancel ng biyahe. I-report agad sa app support kung may emergency at may hindi inaasahang nangyari kung kailangan magcancel.