Cash On Delivery (COD)

Ang Cash On Delivery o COD Service ay ang transaksyon na may perang sisingilin sa customer kung saan ito ang bayad sa item na ipinadeliver.

Makikita agad kung COD ang isang order kahit ito ay nasa available tab pa. Pindutin lang ang order upang makita ang mga impormasyon tungkol dito

Makikita pa ang karagdagang impormasyon kapag napunta na sa inyong active ang isang order. Dito makikita ang mga sumusunod:
  • Magkano ang kabuuang halaga na sisingilin sa client
  • Saan kukunin ang bayad
  • Indemnification fee (Bayad ng client sa Borzo)
  • Kabuuang COD na sisingilin (Total ng sisingilin sa LAHAT ng Drop-off address
Makikita kung saan pwedeng ihulog ang remittance ng order. Basahing mabuti upang hindi magkamali.

Dito din i-uupload ang resibo upang makumpleto ang order.

Note: Iba ang kokolektahin na pera sa client na bayad sa delivery at COD

Example ng resibo na pwedeng i-upload upang makumpleto ang isang order

Maaaring gamitin na proof ng remittance ang mga sumusunod:

  • Litrato na natanggap ng client ang pera
  • Screenshot ng text message mula sa client na natanggap na niya ang pera

 

Pwedeng magpasok ng pera sa GCash sa pamamagitan ng 7/11, Ministop, o ilang convenience store. Maaari ring magpunta sa Puregold, Villarica, Cebuana, etc.

Paano mag-remit gamit ang GCash?

I-download ang GCash App, mag-register at magpa-verify ng account para makapagpadala.

Buksan ang GCash App

Piliin ang “SEND MONEY” kung magpapadala sa ibang GCash Account.

Piliin ang “BANK TRANSFER” kung magpapadala sa Bank Account.

Siguraduhing tama ang detalye

Kung magsesend sa GCash number, piliin ang “Express Send”. Kung gustong magsend ng picture (kunwari resibo), pindutin ang “Send with Clip”.

Kung Bank Transfer, piliin ang bangko na papadalhan.

I-check
ang detalye

Ilagay ang detalye ng padadalhan. Siguraduhing tama at tsaka pindutin ang “send money” button.
– GCash: i-double-check ang number.
– Bank Transfer: Account name, account number, at e-mail kung saan ipapadala ang resibo. 

Kapag nagsend na, huwag kalimutang kumuha ng screenshot bilang proof of remittance.

Account banned due to unremitted COD?

Maaari nang mag TOP UP at CHAT SA SUPPORT kahit ang inyong Courier Account ay banned sa Borzo Courier App

TOP UP

CHAT SUPPORT

Maaari nang makapag-top up para sa COD remittance kahit pansamantalang naka-banned ang inyong account

Maaari nang mag-chat sa chat support kahit pansamantalang naka-banned ang inyong account

TANDAAN:

Ang Courier ay hindi makapagsauli ng Cash-on-Delivery o COD non-remittance, ang Borzo Account ay hindi lamang ma-bban, kung hindi ay pati ipapa-blotter din sa Barangay na malapit sa pananahanan. 

Nagbibigay ng abiso via SMS notification hanggang text at calls ng ating agents para sa COD remittance.

Bakit kailangan mag-remit?

 1. Dating P30 backpayment fee, ngayon ay P60 na!

 2. Sagot na ni Borzo kapag lumagpas ng transaction fee! Wala nang aalalahanin at aabonohan, KaTropa!

 3. Banned ang account at hindi makapag-remit? Pwedeng mag-top up o i-upload lamang ang proof of remittance sa link na ito: Contest Violation (COD Non-remittance)